iba iba ang pinanggalingan, iisa ang pinagsamahan. isang samahang pinagtibay ng katotohanan sa Biblia. marami man ang naging mga hadlang, ngunit hindi nawawala ang alab sa puso ng bawat isa.
yan ang Bible Readers Society, na sa loob ng maraming taon ay naninindigan sa katwirang nagmumula sa Dios, naghahayag sa mga pamantasan ng mga aral sa Biblia, at nagsasama-sama taglay ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.
nagmula sa iba't ibang pamantasan, at sa pamamagitan ng Bread Society ay umusbong ang pagkakaibigang walang katulad, na sa paglipas ng panahon ay patuloy na lumalalim.
may mga umalis... marami rin ang dumating. at kahit saan man magtungo ay babalik pa rin sa mga nakilalang tunay na kaibigan
kasama
kapatid.
hindi man natin maaaring balikan ang nakaraan, ngunit di rin malilimutan ang mga panahon ng pagsubok
pagod at luha
higit sa lahat ay saya
sa ating pananatili sa Bible Readers Society.
mga pagkakataong biyaya ng Dios, na sa awa't tulong Niya'y nagpapatuloy sa adhikaing itaguyod sa mga pamantasan ang tunay na aral sa Biblia.
at sa susunod pang mga taon...
sa darating pang mga pagsubok...
sama-sama tayo sa isang diwa at isang aral na syang saligan ng ating samahan.
muli tayong nagkita ngayon at saan man tayo pumaroon, minsan pa...
sizefive wrote on Nov 14, '07, edited on Nov 14, '07
this was actually the script i've made for the 7th anniversary AV presentation, some years ago. nag-edit lang ako ng konting words para fit sa post ko. sa ngayon ay nine years na po ang Bread Society, and on February next year, God willing, ay TEN years na! tuloy ang laban, Bread Society! more power, more love.
hmmm as i can see there are few that i can recognize (sa table), s sahlee, b mikechel, s janice, b king, b roel, s cathy, b christian, b joel... yung iba di ko na kilala...
(sa unang pix) si s cherry, b kenjie, s ana, s ana mae, b buby