alam mo ang hadlang dumarating pag nakikita ng demonyo na magiging kapakipakinabang ka sa DIOS. siguro nakikita ng demonyo na magiging kapakipakinabang ka kaya marami syang ipinanghahadlang. kung ako ikaw, itutuloy-tuloy ko. So ang alagad ni Kristo nakahanda syang sumunod kay Kristo kahit magalit ang kahit na sino. Yan ang sinasabi sa Biblia. kaya yung sinasabing titigil ka nalang para walang magalit, masamang aral yun...
ang lakas ay nasa kabataan. lakas ng pananampalataya, lakas ng katawan, lakas ng kalooban, at yung lakas na nagmumula sa DIOS
kumilos tayong palagi, mga kapatid na kabataan, ayon sa hula. ipakita natin sa buong mundo na kung ang DIOS ang magsalita, ang Kanyang salita ay totoo. sa mundo ngayon ng katakut-takot na kasamaan at katampalasanan, sa mundo ng sari-saring mga bisyo at kalayawan, may kapisanan ng mga kabataang may takot sa DIOS at gumaganap ng Kanyang kalooban
kayo kabataan kayo. nasa inyo ang sigla at lakas ng pangangatawan, at the height of your youth which is above 25, ay napakarami nyong pwedeng magawa. hindi natin maaaring isa-isahin lahat ng magagawa ng kabataan. an enormous energy and the power to do GOD's will depends on each and every one of you. kaya ang masasabi ko, wag nyong gugulin ang inyong kabataan na masayang ito.
--EFS
 | pde poh makuha link neto?..
|
| |
|